Pulis, 2 pa tiklo sa haydyaking

BULACAN , Philippines   â€“ Kalaboso ang binagsakan ng isang pulis-Norzagaray at dalawa nitong kasabwat matapos arestuhin ng mga operatiba ng pulisya sa kasong panghoholdap at haydyakin ang trak na kargado ng 23 baboy kahapon ng umaga sa Brgy. Mahabang Parang, bayan ng Sta. Maria, Bulacan. Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina PO3 Christopher Magmanlac, Franco Rico, at si Eliseo Gugulan, kapwa nakatira sa Brgy. Paradise 3. Sa ulat na nakarating kay P/Supt. Lailene Amparo, hinaydyak ng mga suspek ang delivery truck (RAT-563 ) na pag-aari ng Solid Agri Dev. Corp.ni Sydney Dexter Chua. Pinababa sa trak ang driver na si Alfredo Desalesa at pahinanteng si Jose Eric Villapane kaya naipaabot sa pulisya ang insidente. Sa follow-up operation, naaresto ang mga suspek at narekober naman ang trak sa Brgy. Gaya-Gaya subalit nawawala na ang kargamento.

Show comments