2 bagets dedo sa youth camp

TUGUEGARAO CITY , Philippines   â€“ Dalawang bagets na sinasa­bing di-marunong lumangoy ang nalunod sa mini-dam sa kainitan ng obstacle race sa ginanap na Summer Youth Camp sa Barangay Minagbag, bayan ng Quezon, Isabela noong Sabado ng hapon.

Sa ulat ni P/Supt. Narciso Paragas, lumutang ang mga bangkay nina Chris Isiah Semilla, 15, ng Rizal, Kalinga; at Jireh Salang-oy, 15, ng bayan ng Luna, Apayao at kapwa 3rd year high school students.

Napag-alaman na walang suot na floater ang mga biktimang hindi marunong lumangoy nang ipinasabak ng mga organizer sa nasabing patimpalak. Nabatid na nahulog ang dalawa sa malalim na mini dam sa gitna ng kanilang obstacle race na isinagawa ng Summer Baptist Youth Camp.

Show comments