Pinoy farmers, agri workers sinuportahan ni Enrile
CAGAYAN, Philippines - Sinuportahan ni United Nationalist Alliance (UNA) senatorial bet Jack Enrile ang malaking grupo ng livestock raisers na kontra sa pagbibigay ng ’di-parehas na insentibo sa dambuhalang Thai company na maaaring ikawala ng hanapbuhay ng 7 milyong Pinoy at ikagutom ng kanilang pamilya.
Kinukuwestiyon ng grupo ang pagkakaloob ng Board of Investments (BOI) ng tinatayang aabot sa P1.2 bilyong fiscal incentive sa Thai company dahil umano isa itong bagong producer ng aqua feeds, swine parent stock, fattners at culled breeders at live chicken.
Ayon sa grupo, ang pagkakaloob ng insentibo at iba pang bentahe sa dayuhang kompanya ay maaaring magÂresulta sa pagkakalusaw ng industriya na sinasabing nagkakahalaga ng P700 bilyon.
Sinabi ni Enrile na ’di dapat payagan ang anumang pagbabago na maglalagay sa peligro ang kasiguruhan at kasarinlan sa pagkain ng bansa.
Kaugnay nito, nanawagan din si Enrile na paghandaan at isakatuparan na ang pagbuo ng komprehensibong programa o Food Master Plan na nakapaloob sa inihain niyang House Bill 4626 sa Kongreso.
Kabilang sa mga incentive package na ipinagkaloob sa Chiroen Phokpand Group ay ang six-year tax holiday para sa chicken project nito at apat na taon namang tax holiday sa swine project, bukod pa sa libreng buwis sa mga ipapasok nitong mga equipment sa bansa.
Pinagdiinan naman ng grupo na ang mga insentibong ito ay magdudulot ng ’di-pantay na kumpetisyon na sa kalaunan ay ikamamatay ng lokal na poultry and livestock industry.
Kabilang sa mga kumoÂkontra sa desisyon ng BOI ay ang National Federation of Hog Farmers Inc., Pork Producers Federation of the Philippines, Inc., Assn. of Philippine Aqua Feeds Millers Inc., Sorosoro Ibaba Development Cooperative, Agricultural Sector Alliance of the Philippines, Inc.; Alyansa ng mga Gruppong Haligi ng Agham at Teknolohiya Para sa Mamamayan at ang Abono Partylist.
- Latest