MANILA, Philippines - Umaabot sa 40 malalakas na kalibre ng baril ang nasamsam matapos na salakayin ng mga operatiba ng pulisya ang tahanan ng incumbent mayor sa bayan ng Pulupandan, Negros Occidental kahapon ng umaga.
Sa bisa ng search warrant na ipinalabas ni Judge Maria Filomena Singh ng Quezon City Regional Trial Court, sinalakay ng mga operatiba ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) Camp Crame sa pamumuno ni P/Senior Supt. Keith Singgian at ng Special Action Force ang tahanan ni Mayor Magdaleno Peña sa Barangay Ubay.
Kabilang sa mga nasamsam ay 31-shotgun, pitong AK-47, at dalawang M16 rifles.
Arestado naman sa opeÂrasyon ang dalawang pulis na sina PO2 Pedrito Dupo at SPO1 Vicente Castillo na nakasibilyan at tumatayong security guard sa compound ng hacienda ng nasabing alkalde.
Ayon naman kay PNP-CIDG director P/Chief Supt. Francisco Uyami Jr., si MaÂyor Peña na dating mister ng actress na si Plinky Recto ay wala naman sa tahanan ng isagawa ang raid.