Lola patay sa sariling kuryente

CAMARINES NORTE, Philippines  â€“ Halos matusta ang buong katawan ng isang 61- anyos na lola makaraang aksidenteng mahawakan ang kanyang inilagay na live wire na proteksyon sa mga magnanakaw na nangyari sa Brgy Inapatan, Nabua, Camarines Sur kamakalawa. Patay nang madatnan ng mga kamag-anak ang biktimang si Herminia Colico residente ng nasabing barangay.  Batay sa inisyal na imbestigasyon, dalawang beses nang nanakawan ng kanyang alagang baka ang biktima kayat napilitang magpakabit ng live wire .  Minalas na nakalimutan ng matanda na i-off  ang switch nang kuryente na kanyang nahawakan dahilan upang mangisay ito sa lakas ng boltaheng pumasok sa kanyang katawan.

Nakumpiska ng mga awtoridad ang umaabot sa 30 metrong haba  na kawad ng kuryente.

Show comments