Utang sa kuryente ng electric coop prexy umabot sa P6.2-M
CAMARINES SUR, Philippines – Nalalagay sa balag ng alanganing makasuhan at masibak sa tungkulin ang pangulo na tumatayo ring board of director ng Camarines Sur Electric Cooperative III (CASURECO) makaraang madiskubre ang pagkakautang nito na umabot sa P6.2 milyong halaga na bayarin sa kuryente simula pa noong 1997 hanggang sa kasalukuyang taon sa Barangay San Isidro, Iriga City, Camarines Sur.
Ito ngayon ang matinÂding problema ni Engineer Ronald Felix “Gang-Gang†Alfelor, presidente at miyembro ng board of directors ng nabanggit na kooperatiba kung saan base sa mga dokumento na nakalap ng mga mamahayag na nakapaloob sa CASURECO III account number 0185-0421 at kategoryang residential, ang utang na naipon mula August 2005 hanggang sa kasalukuyang taon ay umaÂbot na sa P3,064,108.87.
Umaabot naman sa P3,175,800.92 ang pagkakautang ni Alfelor na bayarin sa kuryente na may account # 0815-1240 sa kategoryang commercial ng kanyang negosyong cable TV kung saan may kabuuang P6,239,909.79 simula pa noong Abril 1997 hanggang sa kasalukuyan. Si Eng. Alfelor ay tumatakbo sa mayoralty race sa Iriga City sa nalalapit na elections kung saan kaÂpatid siya ni Iriga City Mayor Madeleine Alfelor-Gazmen.
“Kung hindi alam ang ganitong ginagawa ng presidente at nag-take advantage lang sa kanyang posisyon paramakakuha ng libreng kurÂyente ay malinaw na paglabag sa Republic Act 7832 or An Act Penalizing the Pilferage of Electricty and Theft of Electric Power Transmission,†pahayag ni Executive Director Saturnino Juan ng Energy Regulatory Commission (ERC)
Hinikayat naman ni Juan ang mga residenteng nasasakupan ng Casureco lll na maghain ng reklamo sa ERC at kanila itong tutugunan.
Hindi naman nakuha ang panig ni Engr. Alfelor para ipahayag ang kanyang panig sa nasabing isyu.
- Latest