11 NPA rebs timbog sa PTC fees
MANILA, Philippines - Umiskor ang tropa ng militar matapos masakote ang 11 pinaghihinalaang miyembro ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) na nangongotong ng Permit to Campaign (PTC) fees sa mga kandidato sa May polls sa isinagawang magkakahiwalay na security operation sa lalawigan ng Bulacan nitong Biyernes, ayon sa opisyal kahapon.
Sa ulat ni Major Gen. Pio Gregorio Catapang Jr., Chief ng Army’s 7th Infantry Division, sa pagkakaaresto sa mga suspek ay nasilat ang plano ng mga itong magsagawa ng checkpoints at tambangan ang mga kandidatong hindi magbabayad ng PTC fees.
Kabilang sa mga nasakote ay sina Rodolfo Cruz, 65; Josefino Lupangco, 34; Albertito de Jesus, 24; Randy Puno, 33; Angel Cabrera, 48; Cyrhyl de la Cruz, 19; Billy Asuncion at William Asuncion.
Dakong alas-4:30 ng madaling araw nitong Biyernes ng isagawa ng tropa ng Army’s 56th Infantry BattaÂlion (IB) ang operasyon sa isang liblib na lugar sa Sitio Mahangin, Brgy. Kabayunan, Doña Remedios Trinidad na nagÂresulta sa pagkakaaresto sa 8 NPA rebels extortionist.
Samantalang tatlo pa ang nasakote sa followup operations nitong Biyernes ng gabi habang lulan ng van na naharang sa Sitio Sapang Linao, Brgy. Kabayunan ng nasabi ring bayan.
Bago ang operasyon nakatanggap ng report ang security forces hinggil sa armadong presensya ng nasa 30 armadong rebelde sa lugar kaugnay ng pagpapakalat ng mga ito ng mga PTC fees sa mga kandidatong kanilang kinokotongan.
Nasamsam sa mga naarestong rebelde ang mga liham ng PTC fees na ipinapataw ng mga ito sa mga kandidato, tatlong cal.45 pistol, apat na hand grenade at isang shotgun habang narekober naman sa van na sinasakyan ng mga ito ang dalawang M14 rifles at tatlong M16 rifles.
- Latest