Magsasaka dedo sa kidlat

NUEVA ECIJA, Philippines – Patay ang 54-anyos na misis makaraang tamaan ng kidlat habang papauwi na sa Barangay Caridad Norte, bayan ng Llanera, Nueva Ecija noong Huwebes ng hapon. Idineklarang patay sa San Jose City Hospital ang biktimang magsasaka na si Maria Nimes. Nabatid na nag­linis sa palayan ang biktima at nagpasyang umuwi dahil sa napipintong pagbuhos ng ulan. Dahil sa matinding tama ng kidlat ay bumulagta ang biktima ngunit agad naman siyang nakita ng mga kasama sa bukid na nagtatabas at nagbubunot ng mga damo kung saan namatay ito habang isinusugod sa ospital.

Show comments