Mag-asawa utas sa killer trak

CAMARINES NOR­TE, Philippines - Magkasunod na sinalubong ni kamatayan ang mag-asawa matapos salpukin ng trak at pick-up ang kanilang traysikel sa kahabaan ng highway sa Barangay Calzada, bayan ng Oas, Albay kamakalawa ng hapon.

Idineklarang patay sa ospital ang mga mag-asawang Arsenio Matutina, 43; at Tarcela Ferrer, 53, kap­wa nakatira sa Barangay Tinago, Ligao City.

Nabatid na lulan ng traysikel ang mag-asawa nang nahagip ng nag-overtake na pick-up (ULI 496) ni Nico Santamaria bago sinalpok naman ng kasalubong na trak (REW 847) ni Celestino Nantes Jr.

Pormal namang kakasuhan ng pulisya sina Santamaria, 23, ng Barangay Potot, Libmanan, Camarines Sur; at Nantes Jr ng Barangay Palanog, bayan ng Camalig, Albay.

 

Show comments