2 pisak sa road mishap

BULACAN, Philippines - Nakasalubong ni kamatayan ang dalawang sibilyan matapos na mabundol ng pampasaherong jeepney ang kanilang motorsiklo saka nasagasaan pa ng trak sa kahabaan ng MacArthur Highway sa Brgy. Bunlo, bayan ng Bocaue, Bulacan kamakalawa ng gabi. Kinilala ang mga nasawi na sina Emma Andres, 42, ng Brgy. Bambang; at Danilo Romanca, 40, ng Brgy. Bunlo. Samantala, sumuko naman sa pulisya ang mga drayber na sina Restituto Barlam, 36, ng Brgy. Camias, San Miguel; at Felecito Mempin, 40, ng Brgy. San Gabriel. Base sa police report, magkaangkas sa motorsiklo ang dalawa nang salpukin ng jeepney (DFE 709) ni Mempin. Tumilapon ang mga biktimang walang helmet kung saan nasagasaan naman ng trak (RHL 449) ni Barlam sa kabilang linya ng highway.

Show comments