Katiwala sa plantasyon inutas

NUEVA ECIJA, Philippines – Napatay ang 39-anyos na katiwala sa manggahan makaraang ratratin  ng mga di-kilalang lalaki sa kahabaan ng highway sa Barangay Niyugan sa bayan ng Jaen, Nueva Ecija, kamakalawa ng gabi. Apat na bala ng baril sa ulo ang tumapos sa buhay ni Felipe “Kokoy” dela Cruz,caretaker sa plantasyon ng Barbara Gonzales Mango sa Barangay Sapang at nakatira sa Sitio Putol. Nabatid sa imbestigasyon na nagmomotorsiklo ang biktima patungo sa bayan ng San Antonio nang pagbabarilin ng mga di-kilalang lalaki na lulan ng van.

Show comments