TUGUEGARAO CITY, Philippines - Bulagta ang 44-anyos na magsasaka matapos itong ratratin ng mga di-kilalang lalaki sa araw ng selebrasyon ng kasal ng anak nitong lalaki sa Barangay Simanu Norte, bayan ng San Pablo, Isabela kamakalawa. Kinilala ni P/Supt. Vicente Valdez ang biktima na si Daniel Azurin na sinasabing pabalik na sana sa piÂging ng anak matapos maghatid ng bisita sa kalapit nayon nang tambangan. Tadtad ng bala ng baril ang biktima nang matagpuan ng mga bisitang napasugod matapos umalingawngaw ang sunud-sunod na putok sa madilim na bahagi ng kalsada. Matatandaan na noong Enero 13, pinabulagta din si Chairman Victor Soriano ng Barangay San Vicente sa gitna ng sayawan sa kapistahan ng nasaÂbing bayan. Pinaniniwalaan ng pulisya na may bahid-pulitika ang mga nabanggit na pagpatay.