Misis nilikida sa jeepney

CAVITE , Philippines   â€“ Bumulagta ang isang misis matapos pagbabrilin ng mga ‘di-kilalang lalaki sa loob ng pampasaherong jeepney sa bahagi ng Barangay  Pinagbuklod sa Imus City, Cavite kamakalawa ng hapon. Napuruhan sa ulo si Godelia Evangelista Villanueva ng Mahogany Street, Phase 1 City Homes Barangay Molino 4, Bacoor City, Cavite. Nabatid na lulan ng pampasaherong jeepney ang biktima nang tapatan at ratratin pagsapit sa nabanggit na barangay. Tumakas ang gunman lulan ng Hyundai accent na walang plaka.

 

Show comments