3-buwang buntis ni-rape slay ng adik

CAMARINES NORTE , Philippines   - Brutal na kamatayan ang sinapit ng 29-anyos na kawani ng call center makaraang halayin ay binaril pa sa ulo ng di-kilalang lalaki na sinasabing adik sa bawal na droga sa madamong bahagi ng Barangay Sta. Lucia sa bayan ng Magarao, Camarines Sur noong Linggo (Abril 14).

Kahapon ay positibong kinilala ng kapamilya ng biktima ang bangkay ni Mary Grace Buban, 3-buwang buntis at nakatira sa bayan ng Pili, Camarines Sur, tubong Barangay Baclayan, Bacacay Albay at pansamantalang nangungupahan sa Naga City.

Sa imbestigasyon ng pulisya,  ang biktima na sinasabing walang underwear at basag ang bungo dahil sa tama ng bala ng baril. Lumalabas pa sa imbestigasyon na may karelasyon ang biktima na may asawa kung saan blangko pa rin ang mga imbestigador sa naganap na pamamaslang.

 

Show comments