Niratrat sa labas ng opisina

CAVITE, Philippines – Nasa bingit ng kamatayan ang 41-anyos na mister matapos ratratin ng mga di-kilalang lalaki sa labas ng pribadong kompanya sa Barangay Molino 2, Bacoor City, Cavite kamakalawa ng hapon. Kinilala ng pulisya ang biktma na si Reynaldo Arevalo Jr. ng # 14 Rosal Street, Green Valley sa nasabing barangay. Bandang alas-2 ng hapon nang pagbabarilin ang biktima sa labas ng kanyang pinapasukang opisina. Kahit sugatan ay nakatakbo naman ang biktima papasok ng opisina kung saan nagtago sa palikuran. Nagawa namang tumakas ng apat na gunmen lulan ng dalawang motorsiklo.

Show comments