Magtiyuhin itinumba

TUGUEGARAO CITY , Philippines   - Napaslang ang 45 -anyos na magsasaka at ang tinedyer nitong pamangkin matapos pagbabarilin ng mga hindi pa kilalang lalaki sa bahagi ng Barangay Saud, bayan ng Pagudpud, Ilocos Norte noong Sabado.
 Kinilala ng pulisya ang mga nasawi na sina Rudy Dalumay, 45; at Junel Medina.
 Natagpuan ang magtiyuhin na bulagta sa baybay-daan na tadtad ng bala sa ulo at iba’t ibang bahagi ng katawan.
 Palaisipan pa rin sa pulisya kung ang motibo ng pamamaslang ay may kaugnayan sa mainit na pulitika sa nasabing bayan.

Show comments