2-katao tiklo sa marijuana

BULACAN, Philippines – Kalaboso ang binagsakan ng dalawang lalaki makaraang arestuhin ng pulisya dahil sa pag-iingat ng marijuana sa kani-kanilang bakuran sa dalawang bayan sa Bulacan kahapon. Pormal na kinasuhan ng pulisya ang mga suspek na sina Roberto De Mesa, 39, ng Pantaleon Compound, Brgy, Abangan Sur, bayan ng Marilao, Bulacan; at Alberto Sy, 30, ng Barangay Pulong Sampalok, bayan ng Dona Remedios Trinidad. Sa ulat na nakarating kay P/Supt. Gerardo Andaya, nasakote si De Mesa matapos makum­piskahan ng pinatuyong dahon ng marijuana sa bahagi ng nabanggit na  barangay. Samantala, nadakma naman si Sy makaraang makumpiskahan ng limang puno ng marijuana sa bulubunduking bahagi ng Barangay Pulong Sampalok sa nabanggit na bayan.

Show comments