Mekaniko, utas sa makina

NUEVA ECIJA, Philippines – Patay na nang matagpuan ang isang 56-anyos na mekaniko makaraang madaganan ng gumuhong makina sa kinukumpuni nitong pampasaherong jeep sa Brgy. Siclong, bayan ng Laur, noong Miyerkules Santo ng umaga.Kinilala ng pulisya ang biktima na si Orlando Esquivel, binata ng Barangay San Manuel, Tarlac City. Bandang alas-7:20 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa ilalim ng kulay asul na Isuzu XLT passenger jeep na may plakang XGG-593. Ayon sa pulisya, wala umano silang nakikitang foul play at sinabing self accident ang pagkamatay ng biktima.  Dinala ang labi ng biktima sa Vilar Funeral Parlor sa Bongabon, Nueva Ecija at nakatakdang isailalim sa awtopsiya.  

 

Show comments