11 katao sugatan sa road mishap

CAMARINES NORTE, Philippines —  Labingisa katao ang nasugatan makaraang aksidenteng mahulog sa kanal ang isang pickup kamakalawa sa Capalonga ng lalawigang ito.

Isinugod sa Capalonga­ Medicare and Commu­nity Hospital ang mga biktima kabilang ang sampung menor-de-edad. Kinilala ang mga biktima na sina Czarry Boy Amargo 3; Ian Carl Amargo 3;  Leynard Amargo­ 9;  Monaliza Amargo­, 11;  Mary Joy Capitan, 14;  Roselyn Amargo, 38; Russel Amargo, 19;  Emmanuel Calleja,  50,  Mylene Amargo; pawang  residente ng  Paracale, Camarines Norte;  Christian Amargo  36; at ang driver na si Godfrey Callejo, 43; kapwa residente ng Patnanongan, Quezon.

Bandang alas-7 ng umaga habang ang mga biktima na pawang magkakapamilya ay nakatakda sanang manood ng nagpe-penitensya sa bayan ng Capalonga nang aksidenteng mahulog ang sina­sakyan ng mga ito na isang Black Ford Ranger sa Brgy. Alayao,Capalonga ng lalawigan.

Sa inisyal na imbestigasyon, nagkaroon ng depekto ang makina ng sasakyan na naging sanhi ng trahedya.

 

Show comments