MANILA, Philippines - Dalawang miyembro ng Citizen’s Armed Forces GeoÂgraphical Unit (CAFGUÂ) ang kumÂÂpirmadong nasawi habang nag-panic naman ang mga deboto maÂtapos na paulanan ng bala ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang Station of the Cross na nabahiran ng trahedyang paggunita sa Semana Santa sa BuÂtuan City, Agusan del Norte nitong Biyernes Santo.
Ito’y sa gitna na rin ng pagdaraos ng ika-44 taong anibersaryo ng New People’s Army kahapon.
Ayon kay Lt. Col. Eugenio Julio Osias IV, Spokesman ng Army’s 4th Infantry Division, bandang alas-5 ng umaga habang nagpuprusisyon ang mga debotong Katoliko bilang bahagi ng tradisyunal na Station of the Cross noong Biyernes Santo nang magpaulan ng bala ang mga armadong rebelde sa Sitio Iyaw, Purok IV, Brgy. Anticala ng lungsod.
Sa nasabing insidente, nasawi sina CAFGU’s Ariel Andohuyan at Ernie Parasin na nasa paanan ng idinaraos na Station of the Cross habang nagpaÂnik naman ang mga deboto na nasundan ng bakÂÂbakan sa pagitan ng security forces at mga rebelde.
Agad namang binigÂyang proteksyon ng lokal na pulisya, mga sundalo at CAFGU na nagsisilbing security escort sa Station of the Cross ang mga deboto laban sa marahas na pag-atake ng mga rebelde na agad nagsitakas.
Narekober ang mga basyo ng bala ng sari-saring mga armas may 20 metro ng layo mula sa Station 3 ng idinaraos na prusisyon na pinuwestuhan ng mga nanabotaheng mga rebelde.