Ate grinipuhan ni bunso, dedo

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Napatay ang 30-anyos na ate matapos na pagsasaksakin ng kanyang bunsong kapatid na lalaki sa kanilang bahay kung saan tatlong iba  pa ang malubhang nasugatan sa Sitio Basud, Barangay Masarawag sa bayan ng Guinobatan, Albay kahapon ng madaling-araw. Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Judith Esquillo habang sugatang naisugod sa ospital ang mga biktimang sina Joel Labudlay, ka-live-in ni Judith; Rodolfo Palenzuela. Samantala, sugatan din ang suspek na si Arbel Esquillo, 25, matapos saksakin ng ka-live-in ni Judith. Base sa police report, lango ang suspek nang dumating sa bahay ng kanyang ate kung saan pinauuwi na ito dahil sa matinding pagkalango sa alak. Nagalit naman ang suspek at kinompronta ang kanyang ate hanggang sa maganap ang pananaksak.

 

Show comments