^

Probinsiya

Guro pinaghubad sa presinto

Francis Elevado - Pilipino Star Ngayon

CAMARINES NORTE, Philippines — Dumulog sa himpilan ng isang lokal na istasyon ng radyo (Bombo Radyo Naga-DZNG) ang isang pribadong guro upang magpaabot ng reklamo laban sa isang opis­yal ng pulisya at tatlo  pang pulis  makaraang paghubarin siya sa presinto sa hinalang nagtatago ng droga sa brief sa  Bato, Camarines Sur kamakalawa.

Sukdulan ang galit at sobrang kahihiyan ang dinanas  ng biktimang si Ruben Barja, isang guro sa Ocampo Academy sa lalawigan ng Camarines Sur ng biglang kapkapan at arestuhin ni P/Chief Insp Amado Montaña kasama ang tatlong pulis sa harap ng maraming tao sa isang kainan.

Sa salaysay ng biktima,  pinaratangan umano siyang nagtatago ng ipinagbabawal na droga  at ng walang makuha pinosasan ito at dinala sa himpilan ng pulisya saka doon pinaghubad ng damit kasama ang kanyang suot na brief.

Kaugnay nito desidido ang biktima at ang pamilya nito na sampahan ng kaso ang nasabing hepe at tatlo nitong tauhan  sa kahihiyang dinanas sa kaniyang reputasyon at dignidad bilang isang guro. Nabatid  pa na wala umanong warrant of arrest ang mga  awtoridad ng arestuhin ang biktima.

BATO

BOMBO RADYO NAGA

CAMARINES SUR

CHIEF INSP AMADO MONTA

DUMULOG

OCAMPO ACADEMY

RUBEN BARJA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with