P1-M marijuana nasamsam

NUEVA ECIJA, Philippines – Aabot sa P1 milyong halaga ng  marijuana ang nasabat matapos salakayin ng pulisya ang malawak na plantasyon sa kabundukang bahagi ng Sitio Calbelo, Barangay Piut sa bayan ng Carranglan, Nueva Ecija, noong Huwebes ng umaga. Pinangunahan ni P/Senior Supt. Crizaldo O. Nieves, kasama sina Atty. Woody Domingo ng DoJ at Barangay Chairman Antonio De Vera ang pagsalakay sa nasabing plantasyon ng marijuana kung saan aabot sa 1,114 punong marijuana at seedling ang nasamsam. Hindi naman inabutan ang caretaker ng nasabing plantasyon sa sinasabing nakatakas matapos matunugan ang pagdating sa mga awtoridad.

Show comments