Mag-anak sugatan bangka tumaob sa lagoon ng Burnham park

TUGUEGARAO CITY, Philippines - Sugatan ang isang mag-anak na binubuo ng apat katao matapos tumaob ang sinasakyan nilang bangka sa lagoon ng Burnham Park sa Baguio city kahapon.

Kinilala ng Baguio Tourist Police ang mga biktima na sina Julian Villanueva, ang misis nitong si Loida, anak na sina  John Carlos at ang pitong taong 7-anyos.

Napag-alaman na walang taga sagwan ang mag-anak kung kayat hindi nila nakontrol ang panimbang sa bangka na naging sanhi ng kanilang pagtaob.

Mapalad na nasagip ang mag-anak ng mga sumaklolong nasa paligid lamang.

Nabatid na nagbabakasyon sa Baguio ang mga biktima na mula sa Brgy. Tugatog, Malabon.

Nangako naman ang ope­rator ng bangka na babalikatin nito ang pagkaka-ospital ng mag-anak.

Show comments