Minero dinedo ng 3 kabaro

QUEZON, Philippines - Pinatay sa gulpi ang 37-anyos na minero ng tatlong kabaro dahil lamang sa inggitan sa trabaho kamakalwa ng madaling-araw sa Barangay Bulo sa bayan ng Buenavista, Quezon. Kinilala ng pulisya ang napatay na si Wilson Purton samantalang tugis na ang mga suspek na sina Gerry Lopez, 24, ng Barangay Villa Aurora; alyas John, 17, ng Lopez, Quezon; at alyas Ton-ton, 18, ng Camarines Norte. Sa pagsisiyasat ni PO3 Warren Canuel, natutulog ang biktima sa loob ng barracks nang pasukin ng mga suspek at walang sabi-sabing pinagtulungang gulpihin at saka sinakal hanggang sa mapatay. Pinaniniwalaang nainggit ang mga suspek sa biktima dahil ito ang palaging kinakausap ng kanilang foreman.

Show comments