13-anyos utas sa bike crash

TUGUEGARAO CITY, Philippines - Kamatayan ang humadlang kaya hindi na nakaabot ng Mahal na Araw ang 13-anyos na mag-aaral matapos sumalpok ang kanyang motorsiklo sa likuran ng traysikel na itinutulak ng mag asawang matanda sa kahabaan ng national highway sa Barangay Villanueva, bayan ang San Manuel, Isabela kamakalawa. Napag-alaman na kalalabas pa lamang ang motorsiklo ng biktimang si Cyril Jade Alejandro nang salpukin nito sa likuran ang trike na itinutulak ni lolo Jose Patiag, 62; at asawa nito dakong alas- 9 ng gabi. Sugatan na naisugod sa pagamutan ang lolo. Ayon sa ulat, walang lisensiya ang ang biktimang  namatay at hindi naman rehistrado ang traysikel ng mag-asawang matanda.

Show comments