4 tulak dakma sa buy-bust

BULACAN, Philippines – Kalaboso ang apat-katao na sina­sabing notoryus na tulak ng bawal na droga matapos arestuhin ng pulisya sa inilatag na buy-bust operation sa dalawang bayan sa Bulacan, kamakalawa. Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Eduardo Clemente ng Brgy. Kaypombo; Ronello Borja ng Brgy. Poblacion, Sta. Maria; Joel Ameril, at si Bonnie Balaiman, pawang mga nakatira sa Brgy. Muzon sa San Jose Del Monte City, Bulacan. Sa ulat ni P/Supt. Lailene Amparo, ang mga suspek ay nasakote sa Barangay Kaypombo at Brgy. Poblacion sa bayan ng Sta. Maria at sa Brgy. Muzon sa San Jose Del Monte City. Nasamsam sa mga suspek ang P.2 milyong halaga ng shabu, baril, mga bala at drug paraphernalia.

 

Show comments