Graduating student itinumba

MANILA, Philippines - Hindi na makakatungtong pa sa entablado ng isang 18-anyos na graduating high school student matapos itong pagbabarilin ng mga armadong kalalakihan sa Barangay Arena Blanco, Zamboanga City kamakalawa ng gabi. Kinilala ni P/Chief Insp. Ariel Huesca, spokesman ng police regional office-9 ang napatay na si Faisal Darkis, 4rth year sa Arena Blanco National High School at nakatira sa Princesa Drive, Brgy. Talon-Talon sa nabanggit na lungsod. Sa police report na nakarating sa Camp Crame, naganap ang krimen sa kahabaan ng 5th Street, Sibigtul Drive, bandang alas-9:10 ng gabi. Tatlong tama ng bala ng cal .45 pistol sa dibdib ang tumapos sa buhay ng biktima.

 

Show comments