Trak vs bike: 3 bulagta

MANILA, Philippines - Tatlo-katao ang iniulat na nasawi makaraang sumalpok ang sinasakyang motorsiklo sa nakaparadang Fuso truck sa baybay-daan ng highway sa Barangay Ginparan, bayan ng Moises Padilla, Negros Occidental kamakalawa ng gabi. Idineklarang patay sa Moises Padilla Hospital ang mga biktimang sina Rexvie Balenario, 20, driver ng motorsiklo; Dolphy Nuevo, 20;  at si Judy Rex Carrion, 21, pawang mga nakatira sa nasa­bing bayan. Sa ulat ng pulisya na nakarating sa Camp Crame, sumalpok ang motorsiklo sa Fuso truck (FHJ-301) ni John Tomeo na nasiraan sa gilid ng kalsada. Lumilitaw pa sa inisyal na pagsisiyasat na masyadong mabilis ang takbo ng motorsiklo ng mga biktima kaya naganap ang trahedya.

 

Show comments