Lover ni misis inutas ng mister

BULACAN, Philippines – Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang 43-anyos na obrero matapos na maaktuhang kasiping ang misis ng tindero sa kanilang bahay sa Barangay Tungkong Mangga, San Jose Del Monte City, Bulacan kahapon ng madaling-araw.

Nagtamo ng di-pa mabilang na dami ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan si Mauri Samelo habang tinutugis naman ng pulisya ang suspek na si Winifredo Ocier, 50, pawang nakatira sa Paradise 1 Subdivision sa nabanggit na barangay.

Sa imbestigasyon ni PO1 Rod Pating, dumating ang suspek sa bahay ng kanyang kinakasamang si Rosalie Lopez.

Sa hindi inaasahang pagkakataon ay naaktuhan ng suspek ang kanyang ka-live-in na kasiping sa kama ang biktima.

Dito nagdilim ang paningin ng suspek saka kumuha ng patalim at inundayan ng saksak ang biktima habang nakatakbo naman palabas ng bahay ang babae kaya nakahingi ng saklolo sa mga barangay tanod.

Show comments