LINGAYEN, Pangasinan, Philippines - Apat na Hall of Fame awards ang tinanggap ng provincial government ng Pangasinan dahil sa outstanding performance nito sa iba’t ibang kategorya sa regional development council sa bayan ng Bauang, La Union,kamakalawa. Dahil sa pagkilala sa provincial government ng Pangasinan noong 2010, 2011, at 2012 ay iniangat na Ito sa Hall of Fame Award sa kategorya ng Best Performing LGU sa local governance, Best Millenium Development Goals Implementer, Champion for Best LGU Practice at Best Project Implementer.
Tinanghal na runner-up naman ang Pangasinan sa cleanest, safest at greenest LGU sa region 1.
Ang award ay tinanggap nina Pangasinan Gov. Amado Espino at Vice Gov. Jose Ferdinand Calimlim Jr.
Kasama sina Board Members Von Mark Mendoza at Raul Sison, Provincial Planning and Development Office Coordinator Benita Pizarro, Provincial Health Officer Anna De Guzman, Provincial Agriculturist Dalisay Moya, Provincial Information Officer Orpheus Velasco at si Federation of Pangasinan NGOs Carmelita Duque.
Kasalukuyang Region I Champion sa Gawad Pamana ng Lahi ng DILG at RDC Hall of Famer sa Coastal Resources Management ang Pangasinan.