Bike vs jeepney: 3 pisak

BULACAN, Philippines – Tatlo-katao ang iniulat na nasawi matapos na sumalpok ang kanilang motorsiklo sa kasalubong na pampasaherong jeepney sa kahabaan ng kalsada sa Brgy. Guyong, Sta. Maria, Bulacan kahapon ng madaling-araw. Kinilala ang mga nasawi na sina Paulo Dalmacio, 28; Ronnie Vergara, 20, kapwa nakatira sa Brgy. Poblacion; at si Manuel Dela Cruz, 34, ng Brgy. Mag-asawang Sapa. Sumuko naman ang drayber ng jeepney na si Benjie Reyes, 30, ng Km.38, Brgy. Pulong Buhangin, Sta. Maria, Bulacan. Ayon kay PO2 Vincent Guinicaran, nag-overtake ang jeepney (CXF193) ni Reyes sa sinusundang sasakyan nang masalubong nito ang motorsiklo ng mga biktima. Tumilapon ang tatlong biktima na walang helmet na sout at wala ring ilaw sa unahan ng motorsiklo.

Show comments