Kotse vs trak: 3 bulagta

BULACAN , Philippines   â€“ Tatlo-katao ang iniulat na nasawi habang apat naman ang malubhang nasugatan matapos na mag­salpukan ang kotse at cargo trak sa kahabaan  ng McArthur Highway sa Barangay Poblacion, bayan ng Guiguinto, Bulacan kamakalawa ng gabi.

Kabilang sa mga namatay ay sina Jomari Panti, 21; Russel Pagkalingawang, at si Ruel Magalong, 25, habang malubha naman sina Andrew Francisco, 26; Ryan Austria, 27; Miron Allen Gonzales, 20; at si Ellaine Magalong, 21, pawang nakatira sa nabanggit na barangay.

Samantala, sumuko naman kay P/Insp. Francisco Rodriguez ang driver ng trak na si Jonar Dela Cruz, 33, ng Barangay Marelo, Gapan City, Nueva Ecija.

Ayon kay PO1 Ervin Mac Melan, ang mga biktima ay lulan Toyota Corolla (TMW-293) na minamaneho ni Austria nang masalpok ang kasalubong na trak (XBJ-175 ) na kargado ng toneladang palay na nakasako.

Sa imbestigasyon ng pulisya, lumilitaw na pawang lango sa alak ang mga biktima na sinasabing ipinagdiriwang ang nakatakdang pag-alis patungo sa ibang bansa ng isa nilang kasamahan.

 

Show comments