^

Probinsiya

Sindikato ng kidnap/robbery-slay gang nalansag

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Philippines – Nalansag ng mga operatiba ng pulisya ang  kilabot na sindikatong  responsable sa mga kaso ng pagdukot, panghoholdap at pamamaslang sa kanilang mga biktima kasunod ng pagkakasakote sa lider ng grupo at mga tauhan nito sa isinagawang operasyon sa Gonzaga, Cagayan kamakalawa.

Ayon kay Cagayan Valley Police Director Chief Supt. Rodrigo de Gracia, ang pagkakaaresto sa suspek na si Rodrigo Pascua, lider ng grupo ay taliwas sa mga kumakalat na balitang dumudukot ng mga paslit ang sindikato at ibinebenta ang lamang loob ng kanilang biktima.

Kasamang nasakote ni Pascua matapos silang ituro ng isang biktimang nakatakas na si Roberto Pascua at da­lawa pang babae.

Inamin ng nasakoteng lider na nakikipagkaibigan sila sa mga bababeng may edad  saka aalukin na sumakay sa kanilang ibinabiyaheng van ng libre.

Kapag pumayag ang kanilang biktima ay doon nila hoholdapin at lilimasan ng pera at gamit saka nila papatayin at itatapon sa bangin.

Pinakahuli sa anim na biktimang inamin nitong kanilang napatay ay si Florence Mangosi ng lungsod na ito na natagpuang nakabulagta sa isang bangin sa Brgy. Nasi­ping, Gattaran noong Peb. 28 ng taong ito.

AYON

BRGY

CAGAYAN VALLEY POLICE DIRECTOR CHIEF SUPT

FLORENCE MANGOSI

GATTARAN

GONZAGA

GRACIA

ROBERTO PASCUA

RODRIGO PASCUA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with