Nene napatay ng tiyuhin

MANILA, Philippines - Napatay ang 4-anyos na batang babae makaraang mabaril ng sarili nitong tiyuhin sa Barangay Songkit, bayan ng Madrid, Surigao del Sur kamakalawa. Tumama ang bala ng cal. 38 revolver sa kaliwang kamay na naglagos sa tiyan ng batang si Glenn Angel Plaza habang tumakas naman ang suspek na si Beltrano Cosmiano, magsasaka at nakatira sa  Purok 2 sa nasabing barangay. Sa police report nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente sa loob ng tahanan ng suspek habang naglilinis ito ng baril nang makalabit ang gatilyo. Nasapul naman ang bata na nagkataong naglalaro sa bahay.

Show comments