^

Probinsiya

Killer ng brodkaster, arestado

Ed Casulla at Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines - Nagwakas ang walong taong pagta­tago ng isang most wanted na pangunahing suspek sa pagpatay sa isang brodkaster sa inilatag na operas­yon ng pulisya at mi­litar sa Barangay Lanang, bayan ng Aroroy, Masbate kahapon ng umaga.

Ayon kay P/Chief Supt. Clarence V. Guinto, na­dakma ang suspek na si Ruel Caballero Vargas, alyas Ka Weng sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Maximo Ables ng Masbate City Regional Trial Court Branch 47 sa kasong murder.

Si Caballero na may patong sa ulong P150,000 ay nasa talaan ng PNP bilang ikatlong most wanted at kasapi ng rebeldeng New People’s Army kaugnay sa pamamaslang kay Nelson Nadura ng dyME radio sa Masbate City noong Disyembre 4, 2004.

Nabatid na si Nadura ay naging opisyal at nagsilbing spokesman ng Komiteng Pamprobinsya ng CPP-NPA sa Masbate bago maging brodkaster.

BARANGAY LANANG

CHIEF SUPT

CLARENCE V

JUDGE MAXIMO ABLES

KA WENG

KOMITENG PAMPROBINSYA

MASBATE

MASBATE CITY

MASBATE CITY REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

NELSON NADURA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with