Konsehal itinumba sa tupadahan

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Napaslang ang 66-anyos na municipal councilor makaraang ratratin ng mga di-kilalang lalaki sa tupadahan sa Sitio Tambobo, Barangay San Andres sa bayan ng Balud, Masbate kamakalawa ng hapon. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Councilor Ladislao Macuha ng Barangay Guinbanwahan habang sugatan at naisugod sa Balud Hospital si Florido Villalobos, 50. Sa ulat ni P/Senior Supt. Heriberto Olitoquit, naganap ang krimen dakong alas-3:30 ng hapon habang ang biktima ay nakaupo sa loob ng tupadahan. Nabatid na hindi na kumandidato ang biktima sa pagka-councilor sa nalalapit na eleksyon kundi ang anak na nito ang pinagtakbo bilang kapalit nito sa puwesto.

Show comments