^

Probinsiya

Misis inakalang nagdabog dinedo ni mister

Ed Casulla - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines - Brutal na kamatayan ang sinapit ng 50-anyos na misis makaraang pagsasak­sakin ng kanyang mister sa kanilang tahanan sa Purok 7, Barangay Bigaa sa Legazpi City, Albay noong Linggo ng umaga.

Hindi na umabot pa ng buhay sa Albay Doctors Hospital ang biktimang si Salvacion Agarin habang arestado naman ang suspek na si Antonio Agarin, 57, kapwa may-ari ng panaderya sa nasabing barangay.

Sa ulat na nakarating kay P/Senior Supt. Oscar Regala, bandang alas-9:30 ng umaga nang inihatid ng misis ang gatas, gamot at ilan pang pangangaila­ngan ng kanyang mister.

Subalit sa hindi inasahan ay napalakas ang pagbaba ng ilang gamit sa mesa na ikinagalit ng mister kung saan inakalang nagdadabog ang misis.

Kahit may karamdaman at hindi na makakita ay kinompronta ng suspek ang kanyang misis na nauwi sa pananaksak.

Tinangkang magsaksak sa sarili ng mister subalit napigilan ng kanilang katiwala sa panaderya.

 

vuukle comment

ALBAY

ALBAY DOCTORS HOSPITAL

ANTONIO AGARIN

BARANGAY BIGAA

KAHIT

LEGAZPI CITY

OSCAR REGALA

SALVACION AGARIN

SENIOR SUPT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with