Pulis itinumba ng tandem

MANILA, Philippines - Bulagta ang isang pulis matapos ratratin ng riding-in-tandem gunmen sa naganap na ambush sa bayan ng Sara, Iloilo kahapon ng umaga. Napuruhan sa kanang bahagi ng katawan ang biktimang si PO3 Marlino Ables ng San Dionisio PNP. Sa police report na nakarating sa Camp Crame, naganap ang krimen sa kahabaan ng highway sa nasabing bayan bandang alas-10 ng umaga. Pauwi na ang biktimang nagmomotorsiklo nang sundan at pagbabarilin. Duguang humagis mula sa motorsiklo ang biktima na bagaman nagawa pang isugod sa ospital ng mga sumaklolong bystander ay nabigong maisalba ang buhay nito.

Show comments