Scavenger pisak sa sagasa

CABANATUAN CITY, Philippines – Patay ang isang 52-anyos na babaeng nangangalakal ng basura makaraang aksidenteng mabundol ng isang rumaragasang kotse sa may tapat ng isang banko sa kahabaan ng Maharlika Highway, Brgy. Dicarma ng lungsod na ito, kamakalawa ng madaling-araw.

Kinilala ang biktima na si Marianita Calubayan, isang ‘scavenger’ at biyuda ng Pook Urban Poor, Brgy. Dicarma ng lungsod na ito.

Nahaharap naman sa kasong reckless imprudence resulting to homicide ang driver na si Alfredo Marcelo III, isang first year college student, 17-anyos ng Primavera Homes, Brgy. Sumacab Este ng nabanggit ding siyudad.

Sa imbestigasyon, nabatid na bandang alas-12:30 ng madaling-araw, abala sa paghahalungkat ng mga ba­surahan ang biktima sa pag-asang makakuha ng mara­ming ‘kalakal’ na maibebenta nito sa junk shop.

Ilang saglit pa ay  itinulak  na ng biktima ang kanyang tri-bike patawid ng naturang highway ngunit sa kama­lasan ay nabundol ng Honda City (RKM-828) na patungo sa katimugang direksyon ng highway na bagaman na­isugod pa sa pagamutan ay nabigo nang maisalba.

Show comments