Nene ni-rape slay ng adik

BULACAN , Philippines   â€“ Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng 6-anyos na nene na sinasabing hinalay muna bago pinukpok sa ulo hanggang sa mapatay ng di-kilalang lalaki na pinaniniwalaang lango sa bawal na droga sa Barangay Sapang Palay Proper sa San Jose Del Monte City, Bulacan kamakalawa ng gabi. Upang itago ang krimen ay inilagay sa gilid ng kanal ang bangkay ng biktimang si Carolina Esperon ng Area D, Barangay Sta. Cruz sa nasabing lungsod. Gayon pa man, natagpuan ng 11-anyos na mag-aaral ang katawan ng biktima na nakalitaw pa ang kamay sa kanal. Kaagad na ipinaabot sa pulisya ang insidente habang patuloy naman ang imbestigasyon.

Show comments