3 sinumpak sa sugalan, grabe

BULACAN, Philippines  â€“ Tatlong kalalakihan na magkakasamang nagsusugal ang malubhang nasugatan matapos sumpakin ng kanilang nakaalitan sa Barangay Sto. Niño sa bayan ng Plaridel, Bulacan kahapon ng madaling-araw. Kasalukuyang nasa Bulacan Medical Center ang mga biktimang sina Albert Francisco, 46; Nicanor Regala, 37; at si Antinio Baylon, 41, habang naaresto naman ang suspek na si Benito Leoncio, 62, pawang nakatira sa nasabing barangay. Base sa police report,  nagtotong-its ang mga biktima sa loob ng bahay ng pamilya Sanguyo nang lapitan at sumpakin ng suspek.

 

Show comments