Naningil ng utang, dinedo

TUGUEGARAO CITY, Philippines - Binaril saka pinagtataga hanggang sa mamatay ang 18-anyos na binatilyo ng isang lalaking tumangging magbayad ng pagkakautang sa kanya sa Barangay Cansan sa bayan ng Cabagan, Isabela kamakalawa. Lumalabas sa imbestigasyon na nag krus ang landas ng biktimang si Santiago Mabbun at suspect na nakilala lamang sa alyas Orlan kung saan nagkaroon ng pagtatalo kaugnay sa matagal nang pagkakautang ng huli. Dito na pinagbabaril ng suspek ang biktima sa kalagitnaan ng kanilang sagutan. Upang masigurong patay na ito ay pinagtataga ng suspek ang biktima habang nakahandusay na sa lupa bago tumakas.

Show comments