Cafgu kinidnap ng NPA

MANILA, Philippines - Dinukot ng mga rebeldeng New People’s Army ang 20-anyos na miyembro ng Cafgu Active Auxiliary sa Barangay Sta. Juana bayan ng Tagbina, Surigao del Sur kamakalawa ng hapon. Sa ulat ng pulisya, kasalukuyang patungo ang biktimang si Ronald

Macasarte sa kaniyang farm bandang alas-2 ng hapon nang harangin ng mga armadong rebelde sa pamumuno ni Ka Henry. Walang nagawa ang nasabing Cafgu na nakatalaga sa 23rd Infantry Battalion ng Phil. Army  matapos tutukan ng baril at  kaladkarin ng mga rebelde

patungo sa direksyon ng kagubatan. Inilatag na ang follow-up operations para masagip ang biktima.

Show comments