P1-M ari-arian naabo

CAVITE, Philippines - Tinatayang aabot sa P1 milyong halaga ng ari-arian ang naabo matapos masunog ang ilang bahay sa Barangay San Rafael sa bayan ng Noveleta Cavite, kamakalawa ng umaga. Base sa ulat,  ganap na alas-10:30 ng umaga sumiklab ang sunog sa

bahay ni Venus Carritero matapos na maiwan ang nilulutong pagkain sa kalan na de kahoy. Nadamay din sa sunog ang mga kapitbahay ni Venus kung saan naapula naman ang apoy matapos rumesponde ang mga pamatay-sunog mula sa  mga bayan ng Rosario, Kawit at

Noveleta.

Show comments