Illegal logger itinumba

MANILA, Philippines -  Napaslang ang sinasabing illegal logger sa bulubundu­king bahagi ng Barangay Manyayay sa bayan ng Lianga, Agusan del Sur kamakalawa ng madaling-araw. Ayon sa imbestigasyon, patungo sa bulubunduking kagubatan ang biktimang Frisko Camino upang kunin ang itinatago nitong mga troso nang masalubong at pagbabarilin ng mga armadong lalaki. Kinaumagahan natagpuan ang bangkay ng biktimang nakatira sa bayan ng Lianga ang backpack nito na naglalaman ng cell phone at iba pang personal na gamit. Base sa tala ng pulisya, nabatid na bukod sa pagi­ging notoryus na illegal logger ni Camino ay may warrant of arrest din ito sa kasong murder at frustrated murder sa mga bayan ng  Lianga at Barobo.

Show comments