Postman dedo sa tandem

CAVITE, Philippines - Napatay ang 47-anyos na postman matapos ratratin ng riding-in-tandem gunmen sa bisinidad ng Barangay Tulay sa bayan ng Maragondon, Cavite kamakalawa ng hapon. Ayon kay PO3 Arcadio Mendoza, nagmomotorsiklo ang biktimang si Gerry Angue nang harangin at pagbabarilin ng dalawang lalaki na lulan din ng motorsiklo. Patuloy naman ang imbestigasyon sa naganap na pamamaslang.

Show comments