^

Probinsiya

May-ari ng pension house, ginilitan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Brutal na kamatayan ang sinapit ng 83-anyos na may-ari ng pension house matapos itong pagtulu­ngang saksakin at gilitan ng tatlong ‘di-kilalang sibilyan sa kahabaan ng Hidalgo Street sa Bacolod City, Negros Occidental kamaka­lawa.

Sa ulat ni P/Senior Supt. Edgardo Ordaniel na naipaabot sa Camp Crame, bandang alas- 3 ng mada­ling-araw ng isagawa ang pamamaslang sa matandang si Maria Karmen Galo sa loob ng palikuran ng kanyang Karmen Pension House.

Nakasandal sa dingding ng palikuran ang biktimang tinadtad ng saksak saka ginilitan nang madiskubre ng kanyang anak na si Antonio Galo at pension house checker na si Jonalyn Diaz kinaumagahan.

Sa testimonya ng isang kawani ng pension house, narinig niyang nakikipagtalo ang matanda sa tatlong sibilyan kabilang ang dalawang babae noong Linggo ng umaga kung saan bigla na lamang nawala ilang oras bago nadiskubre ang krimen.

Tuliro naman ang pulisya sa pagkakakilanlan ng mga suspek dahil  hindi itinatala ang mga pangalan sa logbook ng pension house.

Gayon pa man, hindi tinangay ng mga suspek ang ilang alahas na sout ng matanda at malaking halaga na nasa bulsa nito.

ANTONIO GALO

BACOLOD CITY

CAMP CRAME

EDGARDO ORDANIEL

HIDALGO STREET

JONALYN DIAZ

KARMEN PENSION HOUSE

MARIA KARMEN GALO

NEGROS OCCIDENTAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with