3 bodega ng plastic naabo

MANILA, Philippines - Aabot sa P1 milyong halaga ng ari-arian ang naabo matapos masunog ang tatlong bodega na iniimbakan ng plastic sa Sta. Rosa City, Laguna, kahapon ng umaga. Sa ulat ni City Fire Marshall Chief Inspector Rizalde Castro, ang sunog ay nagsimula sa isa sa tatlong bodega ng Fortune Trading sa Barangay Balibago. Dahil pawang mga plastic at styrofoam ang nasa loob ng bodega ay kaagad na nagliyab kung saan aabot sa P1 milyong halaga ng ari-arian ang nasunog habang patuloy naman ang imbestigasyon.

 

Show comments