CAVITE , Philippines – Napatay ang 31-anyos na kawani ng NCST matapos itong saksakin ng kanyang kapitbahay kamakalawa ng gabi sa Barangay Luzviminda 1 sa Dasmariñas City, Cavite. Napuruhan sa dibdib ang biktimang si Orlando Pontanes habang tinutugis naman ng pulisya ang suspek na si Armando “Mandong†Domingo, kapwa nakatira sa nabanggit na barangay. Ayon kay PO3 Reynald Afable, naglalakad ang biktima nang harangin at saksakin ng suspek na sinasabing lango sa bawal na droga.